Miyerkules, Setyembre 12, 2012

SHORT INDIE FILMS BY SALAMIN PRODUCSTIONS

MGA KWENTONG BARBERO NI KUYA POTSKY 
PROUDLY  PRESENTS


PISO 
BY SALAMIN PRODUCTIONS 


Sumisimbolo ito sa pagiging makasarili ng mga taong dapat na tumutulong mismo sa kanilang kapwa tao.



ASA
BY SALAMIN PRODUCTIONS


STORYA NG PAGPAPAYO SA KAIBIGAN HABANG ITOY LASING.



THANKS TO MR PAOLO ROADIEL



ISANG MALAKING QUESTION MARK

!!BABALA!! 

ANG MGA SUSUNOD NA MABABASA AY MAY TEMANG DI MAINTINDIHAN PATNUBAY  NG INYONG PASTOR AY KAILANGAN


KABANATA 1 
SIMULA NG BUHAY
Noong bata pa ko, wala akong ideya tungkol sa buhay. Ang alam ko lang ay ang maglaro at makipag lokohan sa mga kalaro ko. dito umikot ang buhay ng isang bata. Pero nung nakapag grade six na ako, dito ako nagumpisa mag isip tungkol sa tinatawag natin na Diyos. Ang lumikha daw ng lahat, ang sumusubaybay sa tao at ang may kagustuhan daw na mabuhay ang tao dito sa mundo. Pero hindi ako nakuntento sa nalaman ko na yan.Nagpatuloy ang mga tanong ko sa buhay, at naramdaman ko ang pagkagalit at pagtataka sa pagkaka alam ko ng tungkol sa kaniya. katoliko ang kinalakihan kong mga magulang. at sila na rin ang pinaniwalaan ko nung bata tungkol sa buhay. Pero nagbago ang lahat ng akoy makabasa ng BIBLIYA. may mga nalaman akong di nila mapaliwanag sakin. katulad ng BUHAY pagkatapos ng KAMATAYAN. sakanila ang kamatayan ay sya ng katapusan. at itoy wala na. parang computer na nag shutdown. wala na. 
AT isa pa ang di ko maintindhan na kapag masama ka ay mapupunta ka sa impyerno at dun ka susunugin ng hindi ka mamatay??? Grabeh talaga. sakit siguro nun. 


KABANATA 2
ANG UNANG KASAGUTAN
Nakahawak lang ako ng bibliya  nung 1st yr hayskul na. pero binasa ko lang to nung 2nd yr na. biruin mu 1yr?? hehe. Dito nagumpisa ang pagasa, at pagpupursige ko na malaman ang katotohanan. 
Napasok ako sa isang Christian Protestant Church. o mas kilala ng mga tambay na tulad ko na BORNAGAIN. Unang beses kong maranasan ang maniwala at manampalataya, ito  
rin ang unang beses na gumagawa ako ng isang bagay na kung saan walang kasiguraduhan na kapalit.
Panu kung hindi pala totoo yun? lahat ng pagsama mu sa mga aktibidad nila, panglilimos,pangangaral ay magiging balewala?? payag ka ba nun? Naging maaus naman ang lahat. nagbago lang to ng makaramdam ako ng guilty sa sarili ko. dahil may isang babaeng myembro na nagkagusto sakin at gumawa ng bagay na sa paniniwala ko ay talaga namang mali. hindi ko na imemention un. basta alam nyu nang mali yun. 
Hindi yun nangyari ng isa. At di lang din ako ang nagiisang nakaranas nun. nagkataon lang talagang ineenjoy ng mga kasama ko yung kalokohan na ginagawa nila dun.
Wala namang koneksyon yun sa pinaniwalaan namin, at talagang totoo rin na kahit saang Relihiyon ay may mga myembrong nakakasunod sa lahat ng pinaguutos. Ewan ko ba, bigla na lang akong nakaramdam na parang ayaw ko na. kaya yun nanglamig ako sa sa pagsamba. 




ISANG MALAKING QUESTION MARK

KABANATA 3
ANG KADILIMAN

Isang malaking pangyayari sa buhay ko ang mawalan ng lakas ng loob maniwala, kasabay pa nito ay ang pagsasawalang supporta ng aking mga magulang saking pinaniniwalaan. Sakit,Galit,Pagkalito ang bumalot saking pagkatao sa edad na 15 anyos. Isang araw sa eskwelahan. Inalok ako ng isang kaibigan sa ibang section na kung gusto ko raw ba sumama sakanila. at sila raw ay nagaaral gumamit ng Black Magic. 
AStig sa pandinig ko yun. at sabay sabi na nakokontrol daw nila ang kapangyarihan ng mga demonyo. Edi mas naging Interested ako. dahil ang alam ko lang nakaka kontrol sa kapangyarihan ng demonyo ay ang diyos mismo at ang kayang kumontrol ay ang demonyo sa tao at hindi ang tao ang kokontrol sakaniya. intrested talaga ako nung time na yun. Marami kaming pinagaaralan dun, mga Latin na salita na kung saan, lalakas daw ang pandama mu at meron pa, tatawag ka sa espiritu ng bundok at itoy makakadagdag sa kapangyarihan mu na makontrol ang mga pangyayari dito sa lupa. Isang napakalaking bagay ang naging impluwensya sakin nung kulto na yun. Pero hindi pa rin ako naging masaya. Pakiramdam ko may mga kalokohan din sa iba nyang tinuturo since na mukhang ermitanyo ang Lider namin. May ugali rin siya na parang hindi mu papaniwalaan ng sobra sobra.. At may nakausap akong tao na nagturo sakin na talagang dapat daw ay wag kong pag aralan ang pag gamit ng Black Magic. dahil nga naman, anung mas pipiliin mu? kapangyarihan na galing sa masama o sa mabuti? Iniisip ko kaya lang siguro ako napa sama sakanila ay dahil nga asa negatibo kong pandama at may galit ako sa mundo na ginagalawan ko. Kaya ayun, nag aral ako muli ng bibliya at dun ko nalaman na ang pinagaralan ko pa lang spiritual na paniniwala ay tinatawag na PAGANO.


I FOLLOW NYU KO PARA SA SUSUNOD NA KABANATA NG KWENTO NA TO NAKABASE SA TOTOONG BUHAY NG TAO


ang mga Sumusunod na link ay ang mga related at katugma sa isinulat  ko sa Kabanata 3. 
PAGAN
WICCA

CHRISTIAN WICCA 
ex(ALBULARYO,TAWAS,ETC) na naniwala naman sa Diyos ng Kristyanismo ngunit ang kanilang ginagawa ay may koneksyon sa mistersyosong mahika.

PAGUUSAP TUNGKOL SA PINAGSAMANG DI MAGKAURING PANINIWALA




SA SUSUNOD NA KABANATA NA PINAMAGATANG

KABANATA 4
MASAMA BA ANG PINANINIWALAAN NG IBANG TAO?? 
AT
KABANATA 5 
HINDI TAYO PINAGIISA NG RELIHIYON?? 

itutuloy

Martes, Setyembre 11, 2012

ANG BABAENG SUMAKAY SA TRICYCLE

ISANG GABI SA MADILIM NA LUGAR KUNG SAAN, MAY ISANG BABAENG NAGPAPAKITA RAW SA KALYE NG NATURINGANG DAANAN.

ISANG GABI, MAY DUMAANG TRYCLE SA NATURINGANG HUNTED STREET.
SA ISANG KANTO, MAY SUMAKAY NA ISANG PAMILYA AT SA LOOB ITO NG
TRYCLE NAUPO.

PAGDATING SA IKALAWANG KANTO NG NATURINGANG HUNTED STREET.
MERONG SUMAKAY NA ISANG BABAE NA NAKASUOT NG BISTIDANG PUTI.
ITO"Y NAUPO SA TABI NG DRIVER NA ITAGO NA LANG NATING SA PANGALANG PATRICK. ANG DRIVER NA ITO AY NAKARAMDAM NG KILABOT SA KANIYANG KATAWAN NG ITOY TUMABI SAKANIYA.

PAGDATING SA IKATLONG KANTO, NAGULAT NA LANG ANG DRIVER, NA BIGLANG NAWALA ANG BABAE NA SUMAKAY SA KANIYANG LIKURAN NG TRCYCLE.

BINILISAN NG DRIVER ANG PAGMAMANEHO SA KADAHILANAN NA SIYA AY NADADALA NG TAKOT AT PANGAMBA NG LAKING GULAT NYA, NG BIGLA NA LANG NAKAUPO NA MULI SA LIKOD NYA ANG BABAE. AT ITOY MAY BAHID NA MADUDUMING LUPA SA KATAWAN AT SABAY SABI NG BABAE.
MANONG: NAHULOG PO AKO SA PUTIKAN, KANINA PA.